--Ads--

Nakatutok ang Philippine Coast Guard (PCG) K9 units sa mga dumaragsang pasahero ngayon sa Manila North Harbor Port.

Bukod dito, mahigpit din ang ginagawang inspeksyon ng PCG K9 Force sa mga bagahe ng mga pasahero na pauwi sa probinsya para sa paggunita ng Semana Santa.

Ito ay upang masiguro na walang makalulusot na mga ipinagbabawal na bagay o dangerous substance sa barko.

Naging maayos at sistematiko naman ang daloy ng mga pasahero sa tulong na rin ng mga PCG personnel.

--Ads--

Napapanatili rin ng mga nakabantay na mga tauhan ng PCG ang mga daungan upang mapanatiling mabilis at ligtas ang operasyon gayundin ang mga pasahero.