--Ads--
Matagumpay na nagsagawa ang Philippine Coast Guard (PCG) ng emergency medical evacuation para sa isang tauhan ng Philippine Navy mula sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, sa kabila ng panggigipit ng China Coast Guard (CCG).
Ayon kay PCG spokesperson para sa West Philippine Sea na si Rear Admiral Jay Tarriela, ang medical transfer na ito ay inaasahang matatapos sa loob lamang ng ilang oras, ngunit umabot ito nang halos 10 oras dahil sa paggamit ng water cannon, pagbabago sa tagpuan (rendezvous point), at patuloy na pag-aligid o pagsubaybay ng CCG sa kanila.
Iniulat din ng opisyal na nasa maayos at matatag na kondisyon ang tauhan ng AFP at dinala na ito sa pinakamalapit na daungan para sa karagdagang lunas.










