--Ads--

Patuloy ang search and rescue operation ng Philippine Coast Guard o PCG para sa walong nawawalang pasahero ng MV June Aster sa paligid ng Calanhayaun Island sa Barangay Tara, Coron, Palawan.

Ayon sa PCG, nagsagawa ang kanilang mga tauhan ng maritime at foot patrols, shoreline monitoring at coastal monitoring patrols sa paligid ng lugar.

Gumamit din ang mga awtoridad ng mga rubber boat, high-speed rescue boat at drone para sa search and rescue at aerial surveillance.

Samantala, sinabi ng PCG na wala silang nakitang oil sheen sa karagatan sa paligid ng lugar.

--Ads--

Umabot na sa 77 ang kumpirmadong nasawi sa insidente, habang walong katao ang nawawala at 43 naman ang nakaligtas. Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.