--Ads--

Patuloy ang pagtutok ng Philippine Coast Guard District Northeastern Luzon, sa mga biyahero matapos ang bagong taon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Coast Guard Ensign Ryan Joe Arellano, Information Officer ng Philippine Coast Guard District Northeastern Luzon, sinabi niya na nakabalik na ang mga nagsiuwian dahil sa holiday season ay nakaalerto pa rin ang kanilang tanggapan sa mga pasahero na pumapasok at lumalabas ng kanilang area of responsibility.

Aniya sa labing siyam na itinalagang passengers assistance desk sa kanilang nasasakupan ay nakapagtala sila ng 199 na pasahero at wala naman silang naitala na anumang hindi kanais-nais na pangyayari sa buong holiday season.

Sa ngayon ay balik normal na ang bilang ng mga pasahero na nagtutungo sa mga tourist spots sa nasasakupan ng Philippine Coast Guard District Northeastern Luzon ngunit patuloy ang kanilang mahigpit na monitoring sa mga bagahe at iba pang dinadala ng mga pasahero.

--Ads--