--Ads--

CAUAYAN CITY –   Naaresto sa drug buy-bust operation  ng mga otoridad ang isang binata matapos ng maaktuhang nagbebenta ng droga sa Marana 1st, City of Ilagan.

Ang nadakip ay nasa PDEA target list city level na si Cloyd Magaru, 35 anyos at residente sa nabanggit na barangay.

Ang drug buy-bust operation ay isinagawa ng  mga kasapi ng City of Ilagan Police Station,  MASA MASID at PDEA Isabela na nagbunga ng pagkadakip ni Magaru.

Nakuha ng isang pulis na nagpanggap na poseur/buyer mula kay Magaru ang isang sachet ng hinihinalang shabu, at 1,000 na drug buy-bust money.

--Ads--

Mariing namang itinanggi ni Magaru na sa kanya ang nasamsam na droga.

Ayon sa pulisya, bagamat drug surrenderer ay matagal na umanong runner ang suspek  ng isang grupo na sangkot sa katulad na iligal na aktibidad.

Sasampahan siya ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.