Patuloy na mino-monitor ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC Isabela ang epekto ng bagyong Nika sa lalawigan.
Nagsagawa rin ng malawakang Text Message Alert System o TMAS ang PDRRMC sa Southern at Northern Isabela upang magbigay babala sa mga residente sa real time updates at safety measures.
SAMANTALA Nagsagawa rion ng Pre-Disaster Risk Assessment Meeting ang Office of Civil Defense o OCD Region 2 bilang paghahanda sa magiging epekto ng bagyong Nika.
Napag-usapan sa pulong ang posibleng pagbaha, landslide at storm surge sa mga coastal areas.
Bilang paghahanda ay inirekomenda ng ahensya ang preemptive at forced evacuation.
Sa ngayon ay naka-Red Alert ang status ng Regional Emergency Operations Center at Provincial Emergency Operations Centers ng Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela at Cagayan habang Blue Alert Status naman sa Batanes.