--Ads--

CAUAYAN CITY – Isasagawa ang peace talks ng pamahalaan at Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa ikalawang linggo ng January 2020 matapos pumayag si CPP Founder Jose Maria Sison na isagawa ito sa bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Labor Secretary Silvestre Bello III, sinabi niya suportado pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks sa kabila ng mga naganap na pag-atake ng mga rebeldeng grupo sa tropa ng pamahalaan.

Ayon kay Atty. Bello, sa kanyang pagtungo sa Netherlands noong Dec. 6, 2019 bilang tugon sa utos ni Pangulong Duterte na kausapin si Joma Sison at ng kanyang grupo ay pumayag sila sa alok na gawin sa Pilipinas ang peace talks.

Pumayag aniya si Pangulong Duterte nang imungkahi niya na isagawa ito sa ikalawang linggo ng Enero 2020.

--Ads--

Ayon kay Kalihim Bello, nararapat na ituloy ang peace talks dahil hindi magkakaroon ng tunay na kaunlaran hangga’t walang kapayapaan sa bansa.

Ang tinig ni Labor Secretary Silvestre Bello III