--Ads--

Mas maganda umano ang The Devil Wears Prada 2 dahil mas tumutugma ito sa totoong kalagayan ng mga journalist at mga media organization sa kasalukuyan.

Ipinapakita sa pelikula ang mga hamon na kinakaharap ng mga mamamahayag tulad ng biglaang pagkatanggal sa trabaho, maging sa pamamagitan ng text message, at ang hirap ng paglalathala ng mga istorya lalo na sa mga publication na pag-aari ng malalaking negosyante.

Binibigyang-diin din ng pelikula ang kahalagahan ng pamamahayag sa kabila ng pag-usbong ng social media at pagbabago ng industriya ng media, habang nananatiling sentro ng istorya ang tradisyunal na format ng fashion magazine na Runway.

Ipinapakita nito na nananatiling mahalaga ang paghahanap ng katotohanan sa pamamahayag sa gitna ng mabilis na pagbabago ng teknolohiya at plataporma.

--Ads--

Dahil sa tagumpay ng pelikula, lumalakas ang espekulasyon na maaaring magkaroon pa ng ikatlong bahagi, na posibleng muling pagsamahan nina Meryl Streep, Anne Hathaway, Emily Blunt, at Stanley Tucci sa susunod na kabanata ng kwento ni Miranda Priestly, ang makapangyarihang editor-in-chief ng Runway.