--Ads--

CAUAYAN CITY – Ipinasakamay sa San Mariano Police Station ang naka-sobreng pera at listahan ng pangalan ng mga bibigyan ng pera na boboto sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Brgy. Dipusu, San Mariano, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, noong una ay sinabi ng kandidato sa pagka-barangay kapitan na magbabayad ng utang sa nasabing tindahan.

Ngunit nagulat na lamang ang may-ari ng tindahan nang sabihin ng kuma-kandidatong barangay kapitan na nakasulat ang mga pangalan ng bibigyan ng tig-tatlong daang piso.

Dahil dito tumanggi ang tindera ngunit iniwan pa rin tumatakbong brgy. captain ang naka-sobreng naglalaman ng P/3,000.00 at mga pangalan ng pagbibigyan ng pera.

--Ads--

Ayon naman sa nakasaksi sa pangyayari, nais nilang makausap ang may-ari ng tindahan ngunit tumangging makipag-usap dahil sa takot na madamay sa pangyayari.

Dinala na lamang anya nila sa himpilan ng pulisya ang perang hinihinalang pambayad ng boto.

Samantala, sa kabuoan ay naging mapayapa ang pagdaraos ng Barangay at Sangguniang kabataan election sa Isabela.

Karamihan ding reklamo ng mga botante ay hindi makita ang kanilang mga pangalan sa voterlist at umanoy mga vote buying.