--Ads--
Kinumpirma ng International Criminal Court (ICC) ang bagong itinalagang legal counsel ng dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Si Peter Haynes, isang British barrister at eksperto sa international criminal defense, ang bagong hahawak ng depensa ng dating pangulo sa kanyang kaso sa ICC.
Si Haynes ay may mahigit 30 taong karanasan sa larangan ng international law at nagsilbi rin bilang dating pangulo ng ICC Bar Association. Kabilang din sa mga naging kliyente niya ang Ugandan warlord na si Joseph Kony na kilala sa Lord’s Resistance Army.
Matatandaang nagbitiw sa kanyang tungkulin bilang lead counsel ni Duterte si Nicholas Kaufman, na naunang humawak ng depensa ng dating pangulo sa kaso nito sa ICC.
--Ads--











