--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpalabas ng advisory ang Philippine Consulate General Office para bigyan ng babala ang mga Pinoy sa Anza region na kinaroroonan ng Osaka, Japan na ibayong mag-ingat kaugnay ng naganap na 6.1 magnitide na lindol na ikinasawi ng apat na tao at ikinasugat ng mahgit dalawang daan.

Sinabi ni Bombo Correspondent Joan Manzano Haga, tubong Naguilian, Isabela, dating News Director ng Bombo Radyo Cauayan at nakatira ngayon sa Fukuoka Japan na naglabas ng advisory si Consul General Maria Aileen Bugarin para payuhan ang mga Pinoy na nakatira sa Japan na iwasan munang magbiyahe para makaiwas sa panganib dahil sa mga nararanasang aftershocks.

Mahigit labing-anim na libong pinoy ang nasa Osaka, Japan at mapalad na walang nasaktan sa kanila sa naganap na lindol.

Sinabi ni Ginang Haga na karamihan sa mga napinsala sa Osaka ay mga lumang gusali na limampu hanggang isandaang taon na.

--Ads--

Ang Japan Meteorology Agency ay nagpalabas ng warning dahil maaaring magkaroon ng malakas na aftershock.