--Ads--

Mariing kinontra ng Philippine Navy ang mga lumabas na post sa Chinese social media na nagsasabing bahagi ng China ang Palawan batay sa historical data.

Sa isang social media post binigyang-diin ng Philippine Navy vessel na BRP Sierra Madre na ang Palawan ay bahagi ng Pilipinas.

Iginiit ng PN na hindi ito dapat pinagdedebatehan dahil sa ito ay bahagi ng teritoryo ng bansa at kinikilala ng international community bilang sovereign Philippine teritory, bagay na hindi kayang baguhin ng sinuman.

Batay pa sa inilabas na pahayag ng PN, bahagi nanaman ito ng walang-katapusang ‘map expansion’ na ginagawa ng China.

--Ads--

Mistula umanong kapag naubusan na ng pekeng historical claim ang China ukol sa WPS ay kakamkamin na nito ang buong probinsya ng Palawan na direktang nasa WPS.

Giit ng PN-BRP Sierra Madre, kahit gaano karaming state-sponsored propaganda pa ang lumabas, non-negotiable ang Palawan, at mananatili itong bahagi ng Pilipinas.