Ibinida ng hanay ng Philhealth Cauayan na mas dinagdagan pa ng ahensya ang mga health benefit packages para sa mga miyembro nito.
Ito ay upang mas matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga miyembro pagdating sa usaping pangkalusugan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Philhealth Head Alexander Arellano ng Philhealth Cauayan Branch, sinabi niya na kabilang dito ang mga health packages sa heart disease, dialysis, kidney transplantation, outpatient emergency care benefit at 50 percent adjustment in care rates packages.
Bahagi ito ng kanilang aksiyon upang mas maging accesible sa kanilang mga miyembro ang mga health packages na mayroon sila.
Nilinaw din ng tanggapan na ang pagtaas na ito ay hindi babawiin sa mga miyembro dahil ito ay inisyatiba ng Philhealth.