--Ads--
Nagbabala ang Philippine Embassy sa Tel Aviv, Israel sa mga Pilipino na maging maingat at alerto dahil sa tumitinding tensyon sa Middle East.
Ito ay kasunod ng pahayag ni United States President Donald Trump tungkol sa posibilidad ng pag-atake sa karatig-bansa ng Israel, ang Iran.
Inilabas ng embahada ang abiso nitong Sabado (oras sa Pilipinas) matapos ipaalam ng Washington sa mga non-essential embassy personnel na umalis ng bansa dahil sa safety risks.
Pinayuhan ang mga Pilipino na sundin ang mga abiso ng Israel Defense Forces at alamin ang pinakamalapit na evacuation center sakaling magkaroon ng emergency alert.
--Ads--
Patuloy namang mino-monitor ng embahada ang sitwasyon.











