--Ads--

Nagpakita ng muling pagbangon ang mga pamilihang pinansyal ng Pilipinas nitong Martes matapos bumaba ang presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado, kasunod ng pahayag ni US President Donald Trump na maaaring matapos na ang sigalot sa Gitnang Silangan.

Batay sa datos ang Philippine Stock Exchange index (PSEi) ay tumaas ng 120.44 puntos o 2.01% at nagtapos sa 6,126.66.

Ang mas malawak na All Shares index ay lumago ng 60.86 puntos o 1.82% sa 3,407.61 habang higit sa 1.396 bilyong shares na nagkakahalaga ng ₱7.492 bilyon ang naipagpalit.

Makikitang nanguna ang mga advancers (147) kumpara sa decliners (58), habang 64 issues ay nanatiling hindi nagbago.

--Ads--


Ayon kay Luis Limlingan, head of sales ng Regina Capital Development Corp., ang matinding rebound ng PSEi ay bunsod ng pag-angat ng pandaigdigang equities.

Aniya, lumakas ang risk sentiment matapos ang pahayag ni Trump na posibleng magwakas na ang tensyon sa Gitnang Silangan, na nagbigay ng pag-asa sa mga mamumuhunan.