--Ads--
Bahagyang tumaas ang Philippine Stock Exchange index nitong Martes matapos manaig ang bargain hunting sa kabila ng mas mataas sa inaasahang inflation.
Nagtapos ang index sa 5,957.87, bahagyang mas mataas ng 0.16%. Nanguna sa pag-angat ang mining sector habang bumagsak naman ang property at industrial sectors.
Ayon kay Luis Limlingan ng Regina Capital Development Corp., nagkaroon ng rebound ang merkado matapos ang pagbaba nito noong nakaraang araw.
Gayunman, nananatiling maingat ang mga investors dahil sa mataas na inflation at tensyon sa Iran.
--Ads--
Dagdag pa ni Michael Ricafort ng Rizal Commercial Banking Corp., posibleng magtaas ng interest rates ang Bangko Sentral ng Pilipinas upang makontrol ang inflation.









