--Ads--

Muling umangat sa 6,400 level ang Philippine Stock Exchange Index (PSEi) nitong Huwebes matapos ang bargain hunting ng mga mamumuhunan, kasabay ng inaasahang posibleng interest rate cut ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Tumaas ang PSEi ng 97.72 points o 1.53% upang umabot sa 6,487.53, bunsod ng pagbili ng mga investor matapos ang mga nakaraang pagbaba sa merkado.

Ayon kay Japhet Tantiangco ng Philstocks, nagtapos bilang net buyers ang mga dayuhang mamumuhunan na may net inflows na P1.31 bilyon. Umabot naman sa P6.98 bilyon ang value turnover, mas mataas sa year-to-date average.

Karamihan sa mga sektor ay nagtala ng pag-angat, pangungunahan ng services sector na tumaas ng 2.02%, habang ang mining and oil sector lamang ang bumaba ng 1.02 %.

--Ads--

Nanguna sa pagtaas ang DigiPlus Interactive Corp. na umakyat ng 4.59 %, habang bumaba ang JG Summit Holdings Inc. ng 1.34 %.