--Ads--

Naitala ng Philippine women’s baseball team ang kauna-unahan nitong panalo sa WBSC Women’s Baseball World Cup matapos pataubin ang Cuba, 6-0, ngayong Miyerkoles sa Tainan, Taiwan.

Naging susi sa panalo ang limang runs ng Pilipinas sa fourth inning, na nagbigay ng sapat na suporta kay winning pitcher Maria Christine Bautista.

Dalawang hits lamang ang ipinahintulot ni Bautista at nakapagtala rin ng dalawang strikeouts sa 4.2 innings.

Dahil sa panalo, umangat sa 1-1 ang kartada ng Pilipinas sa kanilang grupo matapos matalo sa defending champion Japan, 3-0, sa unang laro ng kanilang debut campaign.

--Ads--