--Ads--

CAUAYAN CITY- Umaasa ang isang Russian football player na makikita rin niyang maglaro at mapabilang ang Philippine Azkals sa World Cup.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay D’mitri Doronshenco, 22 anyos, residente ng ng Moscow Russia,nakapangasawa ng isang pinay na taga lalawigan ng Benguet, sinabi niya na humahanga siya sa kakayahanan ng mga pinoy na nasa Russia at sa kagustuhan nila sa paglalaro ng football.

Naniniwala din siya na magagaling ang mga manlalaro ng Philippine Azkals at balang araw ay makakapaglaro din sa World Cup.

Aniya kailangan lamang umano na paghusayan pa lalo ang pag-eensayo upang makamit ang layuning makapag laro pa sa labas ng Pilipinas at makalaban din ang magagaling na manlalaro ng iba’t ibang bansa sa mundo.

--Ads--

Inihayag pa sa exklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Russian Football player D’mitri Doronshenco na kapag pagbutihin ng Azkals ang pagsasanay ay maaring makapaglaro sila sa FIFA World Cup matapos ang walong taon.