--Ads--

Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang koneksyon ang mga naganap na lindol sa Cebu, La Union, at Davao Oriental.

Matatandaan na niyanig ng magnitude 6.9 na lindol sa Bogo City Cebu noong ika-30 ng Setyembre, habang magnitude 4.8 naman sa Pugo, La Union noong Oktubre 9, at nito lamang Oktubre 10 ay niyanig ng magnitude 7.6 na lindol ang Manay, Davao Oriental.

Ayon kay Phivolcs  Director Dr. Teresito Bacolcol, ang lindol sa Davao Oriental ay mula sa Philippine Trench na gumalaw pataas at pababa o vertical motion, habang sa Bogo City, Cebu ay horizontal ang galaw ng lindol kaya magkaiba ang epekto nito.

Aniya, delikado ang vertical motion na lindol lalo na kapag malapit sa dagat dahil maaari tiong mag-trigger ng tsunami.

--Ads--

Sa kabuuan ay mayroong 180 aktibong fault segments at anim na trenches sa Pilipinas, kaya posible umanong gumalaw ang ilan sa mga ito nang sabay.

Araw-araw umano ay mayroong lindol sa bansa na umaabot sa halos 30 na pagyanig subalit hanggang ngayon hindi pa rin ito kayang hulaan o nananatiling unpredictable.