--Ads--

Bilang bahagi ng pinapalakas na ugnayan sa larangan ng depensa at ekonomiya, bukas ang Pilipinas sa plano ng Estados Unidos na magtayo ng ammunition production facility sa bansa.

Sa panayam ng Philippine media sa Washington DC kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, sinabi nito na inaprubahan na ng US Congress ang probisyon sa kanilang national defense authorization act.

Ito ang nagpapahintulot na magtayo ng pasilidad ng armas sa Pilipinas na maaaring ilagay sa Subic, Zambales.

Sinabi ni Romualdez na tinututukan na ng bansa ang mga paghahanda lalo pa at may mga lokal na kumpanya na ang nagpapakita ng interes na makibahagi sa posibleng consortium sa nasabing proyekto.

--Ads--

Bagama’t wala naman aniyang pormal na negosasyon, nakikita nilang makakatulong ito sa pagpapalakas ng depensa ng bansa at lilikha rin ng dagdag trabaho at oportunidad para sa mga Pilipino.

Matatandaan na sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na hindi pa naipaparating kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nasabing panukala kaya wala pang direktang tugon ang Pangulo tungkol dito.