Ipinakilala ng Japanese confectioner na MATTE ang “Corteccia,” isang dessert na gawa sa napakanipis na rolyong tsokolate na may kapal na 0.03 millimeter.
Inilunsad ito noong Pebrero 2024 sa Azabudai Hills Garden Plaza sa Tokyo, kung saan nakilala ang MATTE Bottega del Cioccolato dahil sa paggawa ng sinasabing pinakamanipis na tsokolate sa mundo.
Ang “Corteccia,” na nangangahulugang “tree bark” sa wikang Italyano, ay ginawa gamit ang espesyal na makinarya na dinevelop sa loob ng isa’t kalahating taon sa tulong ng mga engineer at lokal na eksperto sa makinarya.
Ayon sa founder na si Matteo Sanclicca, layunin ng produkto na makalikha ng tsokolate na may kakaibang texture na agad natutunaw sa bibig.
Sinasabing nananatiling natatangi ang Corteccia dahil iisa lamang ang makinang ginagamit sa paggawa nito na matatagpuan sa workshop ng kumpanya sa Tokyo.





