--Ads--

Nakaganti si Alex Eala sa Australian tennis player na si Maya Joint matapos itong talunin sa tatlong set upang umabante sa ikatlong round ng Wimbledon.

Noong Huwebes ng gabi, muling naharap si Eala sa mahirap na sitwasyon nang matalo siya sa unang set at mapuwersa sa isang deciding third set. Ngunit hindi tulad ng kanilang naging paghaharap noong nakaraang taon, nagpakita ng tibay at determinasyon ang Filipina netter upang makabawi.

Matapos mabigo sa unang set, 3-6, mabilis na nakarekober si Eala at dominado ang sumunod na dalawang set, 6-2 at 6-0, upang tuluyang makuha ang panalo sa ikalawang round ng prestihiyosong torneo.

Sa pamamagitan ng tagumpay na ito, nakapaghiganti si Eala kay Joint at nakasiguro ng puwesto sa ikatlong round ng Wimbledon, isa sa apat na Grand Slam tournaments sa mundo ng tennis.

--Ads--

Ipinakita ni Eala ang kanyang katatagan sa laban, lalo na sa huling set kung saan hindi niya pinayagang makapuntos pa ang kanyang katunggali, dahilan upang makamit niya ang isa pang mahalagang tagumpay sa kanyang kampanya sa Wimbledon.