Maaari pang humina ang piso ng Pilipinas laban sa US dollar at subukan ang mga bagong “record lows” sa hinaharap. Ito ay dahil ang lumalalang iskandalo ng korapsyon sa bansa ay nananatiling isang “structural handicap”, habang ang mga panganib sa geopolitika sa ibang bansa ay nagpapataas ng volatility.
Sa kanilang pinakabagong ulat ang piso ay maaaring maglaro sa pagitan ng 59.30 hanggang 59.70 laban sa US dollar sa susunod na linggo.
Ilan sa mga dahilan ay ang kasalukuyang issue ng korapsyon.
Dahil sa mabagal na paglago, inaasahang magbabawas pa ng interest rates ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Ito ay nagpapababa ng interes ng mga dayuhang investor sa mga lokal na asset.
Noong nakaraang linggo, ang tensyon sa Iran ay nagpataas sa presyo ng langis at ginto, na nagdagdag ng pressure sa piso.
Ang patuloy na paghina ng piso ay may halong epekto bagama’t tumataas ang halaga ng padala ng mga OFW at nagiging mas mura ang exports, nagpapataas din ito ng presyo ng mga inaangkat na bilihin (imports) tulad ng langis, na maaaring magresulta sa inflation.










