--Ads--

CAUAYAN CITY- Puntirya ng 1st light armor company ng Philippine army na nakahimpil sa 5th Infantry Division Phil. Army Gamu, Isabela ang 30 mag-aaral ang mabiyayaan ng libreng merienda sa kanilang piso project.

Nagsimula ang proyekto noong 2015 at nagtapos na sa senior high school ang tatlong mag-aaral na nabiyayaan sa nasabing proyekto.

Dalawamput apat ang unang napili na tulungan ng 1st light armor company

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Capt. Renan Capulong, sinabi niya na pumili sila ng 24 na mag-aaral mula sa ilang pampublikong paaralan sa Ilagan City at bayan ng Gamu.

--Ads--

Nakipag-ugnayan sila sa mga punong guro na magbigay ng pangalan ng mga mag-aaral na limitado ang natatanggap na pinansiyal na pangangailangan mula sa kanilang mga magulang.

Inalam ng mga sundalo ang tunay na kalagayan sa buhay ng mga napiling mag-aaral para malaman kung karapat-dapat silang mabiyayaan sa kanilang proyekto.

Para sila ay matulungan ay inilunsad ng 1st Light armor company noong 2015 ang piso project.

Iniipon ng mga sundalo ang kanilang barya sa isang alkansiya.

Ang mga napiling mag-aaral sa elementarya ay binibigyan nila ng libreng meryenda.

Sa school canteen ay mayroon nang nakalaang meryenda para sa mga bata na binabayaran ng mga sundalo mula sa mga naipon nilang barya.

Sa sekundarya ay perang pambaon ang kanilang ibinibigay sa mga napiling mag-aaral.

Limandaan hanggang isang libong piso ang nakalaan na pondo sa kada buwan sa bawat mag-aaral depende sa pondo na makakalap mula sa mga naiipon na barya.

ngayong araw ay nabigyan ng mga school supplies ang mga mag-aaral na benepisaryo.

Para mas maraming mag-aaral ang matulungan ay pinalawak ng 1st light armor company ng Phil, Army ang pag-iipon ng mga barya para sa kanilang piso project.