--Ads--

CAUAYAN CITY – Isang buwan makalipas na ipatupad ang Enhance Community Quarantine ay umabot sa 724 na tao ang mga nahuli ng Cauayan City Police Station na lumabag sa patakaran ng ECQ.

Batay sa talaan ng PNP Cauayan magmula noong March 19 hanggang April 19 ay umabot sa 145 na tao ang nahuli nilang lumabag sa social distancing.

52 ang mga nahuling tricycle drivers na namamasada, 364 ang nahuling lumabag sa pinapatupad na curfew at nahuling naglalagi sa mga daan habang ang mga lumabag naman sa Unauthorized Person Outside residence ay umabot sa 126 na katao.

16 na katao din ang mga nahuli sa mga mass gatherings at 21 tao ang nahuling umiinom ng nakalalasing na inumin.

--Ads--

Panawagan ng PNP Cauayan sa mga mamamayan na huwag ng maging pasaway at sumunod na lamang sa mga alituntunin ng pamahalaan para hindi matulad sa mga nauna nang nahuling lumabag sa panuntunan.