--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagsagawa ng Project E-SCUBA o Enhanced Searches inside E-Canals and Underground against Bank Attack ang hanay ng PNP Cauayan upang maiwasan ang pagnanakaw sa pamamagitan ng tunneling.

Sinuri ng pulisya ang mga drainage canals pangunahin sa mga malalapit sa mga bangko at financial establishments.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay PLtCol. Ernesto Nebalasca Jr., Chief of Police ng Cauayan City Police Station sinabi niya na sa pamamagitan ng Project E-SCUBA ay natitiyak nila na ligtas pa rin ngayon ang mga bangko at iba pang establishment sa Cauayan.

Dahil mayroon aniyang mga naitalang kaso ng pagnanakaw sa ibang lugar sa pamamagitan ng tunneling, hindi naman nila isinasawalang bahala ito dahil mayroon pa ring posibilidad na mangyari rin ito sa lungsod.

--Ads--

Ayon kay hepe , regular ang kanilang inspection kung saan mga tropa mismo ang sumusulong sa loob ng kanal upang tiyakin na walang mga butas o bakas na naiwan sa loob ng drainage.

Nakatuwang naman aniya ng pulisya ang hanay ng Bureau of Fire Protection (BFP) at mga kawani ng lokal na pamahalaan para sa pagpapahiram ng mga malalaking kagamitan tulad na lamang ng backhoe.

Ayon pa sa hepe, Pinapahiram sila ng oxygen tanks na gagamitin ng mga PNP personnel upang mapasok ang mga malalalim na canals.

Maliban sa inspeksyon ay iniikutan din ng mga pulis ang mga financial establishments lalo na tuwing weekend na walang katao-tao sa mga nasabing lugar.

Sa ngayon, masasabi pa ng pulisya na nananatiling ligtas ang mga establishment sa lungsod ng Cauayan.