Inatasan ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang lahat ng unit commanders nito na magpatupad ng maagang paghahanda kaugnay ng nalalapit na Holy Week, kung kailan inaasahan ang matinding galaw ng mga tao sa buong bansa.
Sa flag raising ceremony kaninang umaga, sinabi ni Nartatez na dadagsa ang mga pamilyang uuwi sa probinsya, mga debotong dadalo sa mga religious activities at mga turistang maglalakbay sa iba’t ibang destinasyon.
Dahil dito, ipinag-utos ng PNP chief ang agarang review sa kanilang operational plans, tamang pagposisyon ng checkpoints at paglalagay ng police assistance desks sa mga transport terminal, pangunahing kalsada at iba pang convergence area.
Ayon pa kay Nartatez, ang kahalagahan ng maximum police visibility at mahigpit na koordinasyon sa mga local government units at iba pang partner agencies upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng publiko.











