--Ads--
CAUAYAN CITY- Tiniyak ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa ang kaligtasan ni Senador Leila De Lima.
Ito’y kasunod ng pagkakulong na ng senadora sa isang detention cell sa loob ng Camp Crame.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PNP Chief Dela Rosa na hindi naman magkikita ang senadora at ang mga pinakulong na mga dating senador na sina Jinggoy Estrada at Ramon Revilla Jr.
Nauna rito ang PNP Chief ay nagtungo sa lalawigan ng Kalinga upang dalawin ang mga nasugatan at mga nasawing pulis na nagsilbi ng warrant of arrest sa isang wanted person na si Willie Sagasag.
--Ads--
Matapos nito ay nagtungo si Dela Rosa sa Quirino upang pulungin ang mga pulis sa nasabing lalawigan.