--Ads--

Ipinaliwanag ng Philippine National Police (PNP) kung bakit nakablur ang mga mugshot at video ni Pastor Apollo Quiboloy at apat na kasamahan nitong nahuli sa Davao noong Linggo.

Ayon kay Police Spokesperson PCol. Sabi ni Jean Fajardo, hindi ito ang unang pagkakataon na ginawa nila ang pagblur sa mukha ng isang akusado.

Anya, ito ay bilang tugon na rin sa utos ng Commission on Human Rights.

Layunin lamang anya nito na protektahan ang dignidad ng akusado.

--Ads--

Paliwanag pa niya na maituturing pa ring inosente ang isang akusado hangga’t hindi pa ito napapatunayang guilty.

Una rito ay umani ng samut-saring reaction ang pagsasapubliko ng PNP ng mga mugshot ng nasabing pastor at kasamahan nito dahil sa pagblur sa mga nasabing larawan.