--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagbabala ang Isabela Police Provincial Office kaugnay sa umano’y nagpapanggap na isang Pulis at nakikipag-ugnayan sa tanggapan ni Governor Rodolfo Albano III.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Scarlette Topinio, tagapagsalita ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), sinabi niya na nagpapakilalang isang  PCapt. Arnold Mendoza mula umano sa tanggapan ng Provincial Director ng IPPO ang nakikipag-ugnayan sa tanggapan ni Governor Albano para mag-iwan ng contact number at ipinag-utos na ibigay sa Provincial General Services Office.

Nauna nang nilinaw ni Provincial Director PCol. Lee Allen Bauding na walang nakatalagang PCapt. Arnold Mendoza sa IPPO at lahat ng komunikasyon ng nasabing tanggapan sa ibat ibang ahensiya ng pamahalaan ay isinasagawa ng mga lehitimong  kasapi ng IPPO.

Nanawagan siya sa publiko na agad na ipagbigay alam sa  kanilang tanggapan kung may mga kahina-hinalang tawag o text mula sa mga hindi beripikadong numero.

--Ads--