--Ads--

CAUAYAN CITY- Natukoy na at nasampahan na ng kaso ang lalaking nakuhanan ng CCTV footage na nang harass sa isang dalagita sa Barangay 2, Jones, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Prospero Agonoy, hepe ng Jones Police Station matapos maiparating sa kanilang himpilan ang pangyayari ay agad silang nagsagawa ng surveillance.

Aniya nagsilbing lead ang ilang kuha ng CCTV kung saan nahagip ang plaka at diskripsyon ng motorsiklo ng suspek dagdag pa ang ilang ulat mula sa concerned citizen na siyang naging daan para matukoy ang pagkakakilanlan nito.

Pahayag pa ni PMaj. Agonoy na sa pakikipag ugnayan nila sa suspek ay may ilang dahilan siyang nabanggit kung bakit nagawa niya ang pananakot sa dalagita.

--Ads--

Pinabulaanan naman nito ang ilang naglitawang impormasyon na dahil sa kakulangan umano ng police visibility sa bayan ng Jones, Isabela kung kayat naganap ang pangyayari.

Paglilinaw niya na katatapos ng check point sa lugar at nagsagawa ng pagpapatrolya ang PNP sa ibang barangay at nagkataon aniya na naganap ang insidente.

Matatandaan na nakapiglas at nakatakas ang isang dalagita sa kamay ng isang lalaking  sinubukan siyang di umano’y dukutin sa Barangay Dos sa bayan ng Jones.