--Ads--

Naka-high alert status na ang Luna Police Station bilang paghahanda sa papalapit na Undas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Reynald Maddela, Deputy Chief of Police ng Luna Isabela, sinabi niya na payapa naman ang kanilang bayan pagdating ng Undas. Ngunit hindi sila nagpa-pakampante kaya naka-high alert status pa rin ang kanilang hanay upang matiyak na walang  magiging aberya.

Aniya, kabilang sa tututukan nila ay ang intersections, simbahan at maging ang mga sementeryo.

Sa tala ng pulisya, walang kaso ng anumang karahasan sa mga nakaraang Undas at ito ang nais nilang mapanatili ngayong taon.

--Ads--

Nagpaalala naman ang opisyal sa mga magtutungo sa mga sementeryo na sumunod sa mga ipinatutupad na protocol kabilang na rito ang pagbabawal sa pagdadala ng mga matatalim na bagay at armas maging ang pagdadala ng nakalalasing na inumin.

Samantala, isa rin sa inaasahan ng hanay ng Luna Police Station ay ang pagdalaw ni Senator Raffy Tulfo sa nasabing bayan dahil regular nitong binibisita ang mga yumao nitong kamag-anak sa lugar.

Nakahanda naman aniya ang kanilang pwersa na magbigay ng seguridad.