--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagkasa ng malawakang manhunt operation ang mga otoridad upang madakip ang mister na sumaksak sa kaniyang misis sa Brgy. Calaocan, Angadanan, Isabela.

Kinilala ang suspek na si alyas ‘Mar’, 53-anyos habang ang biktima ay si alyas ‘Clarisse’, 41-anyos, isang OFW at pawang mga residente ng nabanggit na lugar.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pmaj. Russel Tuliao ang hepe ng Angadanan Police Station sinabi niya na lumalabas sa imbestigasyon ng Angadanan Police Station, October 12 ng makabalik sa bansa ang biktima at agad na dumiretso sa bahay ng kaniyang anak.

Aniya pinuntahan ng suspek ang kaniyang misis at doon nagkaroon sila ng pagtatalo na nauwi sa pananaksak.

--Ads--

Napag alaman na sa loob ng dalawang taon na panguingibang bansa ng biktima ay madalas na talaga silang magtalo ng kaniyang mister.

Sa katunayan aniya hiwalay na ang biktima sa kaniyang mister at isa sa nakikitang motibo sa pananaksak ay selos.

Ayon kay PMaj. Tuliao na inalarma na nila ang mga karatig na himpilan ng Pulisya para sa agarang ikadarakip ng suspek.