--Ads--

CAUAYAN CITY – Natakasan ng isang suspek na lumabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga kasapi ng Quezon Police Station sa Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Sr. Supt. Mariano Rodriguez, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office na mahaharap sa kaukulang parusa ang mga pulis na natakasan ng suspek na hindi pa pinapangalanan.

Inihayag ni Sr. Supt. Rodriguez na magsasagawa siya ng malalimang pagsisiyasat kung paano nakatakas ang suspek.

Ipinaliwanag anya ng hepe ng Quezon Police Station na nasira ang kisame ng detention cell nila.

--Ads--

Anya, magtutungo siya sa naturang himpilan ng pulisya upang malaman ang tutoong pangyayari.

Nagpapatuloy ang pagtugis ng mga kasapi ng Quezon Police Station sa suspek.