--Ads--

CAUAYAN CITY – Binigyan ng pagkilala ng Police Regional Office (PRO2) ang mga performing police station kaugnay sa kampanya kontra illegal na droga.

Kinilalang Best Performing Police Station ang Tuguegarao City Police Station sa Cagayan na may 72.82% performance evaluation rating; Solana Police Station na may 70 %; Cabatuan Police Station na may 62.26%; Dupax del Norte Police Station sa Nueva Vizcaya na may 62.26% at Cordon Police Station na may 60% performance evaluation rating.

Isinagawa ang paggawad ng pagkilala sa tradisyonal na Monday Flag Raising at Awarding Ceremonies sa PRO2 Grandstand sa Camp Adduru sa Tuguegarao City.

Inihayag naman ng panauhing tagapagsalita na si Atty Maria Cristina Dela Rosa, Provincial Prosecutor ng Isabela na ipagpatuloy nila ang ang ugnayan sa PNP at DOJ para sa mas mabuting criminal justice system.

--Ads--

Kinilala rin ng PRO2 ang mga kasapi ng Phlippine National Police (PNP) na nagpakita ng kanilang debosyon sa trabaho.

Iginawad kay PMaj Bennie Rosete at PEMS Maynard Birung ang Medalya ng Papuri habang Medalya ng Kagalingan ang natanggap nina PCpt Arnel Acain at PSMS Elmer Miguel sa matagumpay na pagsisilbi ng warrant of arrest sa mga most wanted at leader ng New People’s Army (NPA) sa Lasam, Cagayan.