Hati parin ang opiniyon ng isang Political Analyst at Constitutionalist sa isinusulong ni Senator Panfilo Ping Lacson na Anti- Political Dynasty Bill sa kamara.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Michael Henry Yusingco isang Political Analyst at Constitutionalist, sinabi niya na 2025 pa lamang ay tinututukan na niya ang usapin ng political dynasty sa Pilipinas kasabay ng pagsusulong ng anti-dynasty law.
Sa katunayan marami na rin silang pag-aaral na nagawa kaugnay sa political dynasty at kung bakit masama ito sa isang bansa.
Sa ngayon ay duda siya sa isinusulong na Anti- Political Dynasty dahil sa 80% ng mga mambabatas sa Pilipinas ay miyembro ng Political Dynasty.
Sa kabilang dako may isang maliit na pag-asa dahil ang SK reform act na naipasa noong 2015 na may anti-political dynasty provision na nagbabwawal sa mga magkakamag-anak sa 2nd degree of consaguinity and affinity na tumakbo ng anumang posisyon ng magkakasabay.
Ang tanging problema lamang aniya dito ay ang paulit-ulit na posponement ng SK elections.
Sa ginawang pag-aaral ng Ateneo Policy Center natuklasan na may positibong epekto ang Anti- Dynasty provisions sa SK reform Law.
Dahil sa napagbawal ang mga anak ng aktibong politiko ay mas na-enganyo ang ibang mga kabataan na tumakbo sa isang posisyon.
Kung matatandaan bago maisabatas ang SK reform Law ay tinagurian ang Sanguninang Kabataan bilang training ground ng mga anak o bunga ng political dynasties na kalaunan ay tumakbo sa mas mataas na posisyon sa pamahalaan.
Wala aniyang good dynasty dahil sa isa lamang ang kahulugan ng pagiging bahagi nito, un ay ang pamanatili ang kapangyarihan at manatili sa pwesto.
Nakakatakot aniya dahil sa unti-unting nagiging normal sa Gobyerno ang Political Dynasty dahil sa pagdami ng mga politiko na kabilang sa iisang pamilya.











