Muling magsasama sa entablado sina comedy icons Pooh at Pokwang para sa serye ng comedy shows sa Pilipinas at iba’t ibang bansa sa 2027.
Ayon kay Pooh, marami sa kanilang fans ang patuloy na nananawagan para sa kanilang reunion matapos maging patok ang kanilang mga dating comedy performances at impersonations.
Naging daan din sa kanilang muling pagtatambal ang isang show sa Ozamiz City na nakakuha ng malaking audience at nagbukas ng posibilidad para sa kanilang comeback stage show.
Samantala, sinabi ni Pokwang na excited siyang muling makatrabaho at makapaglakbay kasama si Pooh.
Bukod sa kanilang comedy shows, nakatakda ring dalhin sa mga probinsya ang musical na “Tulog Na” ni Pokwang matapos ang matagumpay na sold-out performances nito sa Makati.






