--Ads--

Ang teenage pregnancy at high fertility ang dalawang population issue na tinututukan ngayon sa  POPCOM Region 2.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Regional Director Herita Macarubbo ng Population Commission o POPCOM region 2 na ang tema ngayong taon ng world population day ay “Dynamic Demografic to address Population Growth or Decline, We Need Right Choices at the Center.

Ayon kay Regional Director Macarubbo na nakasentro sila sa pagbibigay ng mga impormasyon at serbisyo para sa mga kababaihan at kalalakihan para magawa nila ang kanilang Reproductive Health and Rights at makapamili kung ano ang gagamitin sa pagpaplano ng pamilya.

Aniya dito sa Region 2 ang dalawang population issue na  bumabagabag sa mga opisyal at kawani ng POPCOM region 2 ay ang teenage pregnancy at high fertility.

--Ads--

Kamakailan lang ay inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order Number 141 na layuning gawing prayuridad ang pagpapatupad ng mga measure upang matukoy ang dahilan ng mga tumataas na bilang ng teenage pregnancy.

Dahil dito  ay nagpalabas ng press release ang POPCOM para maipaalam sa mga LGUs na gumawa ng hakbang para malutas ang mataas na teenage pregnancy sa Region 2.

Batay sa Datos na ipinadala ng mga Population Officers na kinuha sa mga Rural Health Units ay bumaba ang teenage pregnancy dahil noong 2017 ay 2.57% ang teenage pregnancy rate ng Region 2 habang noong 2018 ay naging 2.6%, noong 2019 ay naging 2% at noong 2020 at 1.85%

Bumaba anya ang trend sa buong Region 2 at maging sa mga probinsiya.

Idinagdag pa ni Regional Director Macarubbo na noong 2013 ay number 2 ang region 2 sa teenage pregnancy sa buong bansa habang number one ang Cordillera Administrative Region at Number 3 ang National Capital Region habang noong 2017 ay number 10 na ang Rehiyon.

Ang bahagi ng pahayag ni Regional Director Herita Macarubbo ng Population Commission o POPCOM Region 2.