--Ads--

Nakapagpahinga ng mabuti si Pope Francis sa buong magdamag, ayon sa pahayag ng Holy See Press Office ngayong Martes ng umaga (oras sa Rome).

‘The Pope rested well, the whole night,’ sabi sa pahayag.

Maaalalang kahapon, Lunes ng gabi, iniulat ng Press Office na ang kondisyon ng Santo Papa ay nananatiling kritikal ngunit nagpakita ito ng bahagyang pagbuti sa buong araw.

Walang mga insidente ng asthma-like respiratory distress na namonitor ang mga doctor nito noong Lunes, at ilang mga laboratory tests ang nagpakita ng pagpapabuti ni Pope Francis.

--Ads--

Hindi naman nagdulot ng problema ang kaniyang mild kidney insufficiency habang patuloy ang oxygen therapy na ginagawa sa Santo Papa dahil nakitaan ito ng pagbaba ng oxygen lebel.

Samantala tumanggap naman ang Santo Papa ng Eucharist ngayong umaga na ayon sa pahayagan ay nagta-trabaho ito sa hapon, at nakatawag pa umano sa parokya nito sa Gaza upang pasalamatan sila sa video message na ipinadala sa kanya.

Patuloy naman ang ginagawang pagbabantay ng Vatican sa kalagayan at kalusugan ng Santo Papa.