--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasa 13.5% ang positivity rate sa bansa at inaasahang tataas pa bunsod ng tumataas na bilang ng tinatamaan ng COVID-19.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Guido David ng OCTA research group na kahapon ay umabot sa 780 ang bagong kaso sa buong bansa na kasing taas ng naitala noong October at November 2022.

Sa National Capital Region (NCR) ay may 300 new cases at wala pa sa peak dahil tumataas pa ang kaso.

Maari anIyang sa mga susunod na araw ay aabot ng 1,000 hanggang 1,500 ang kaso ng COVID-19 bawat araw nationwide.

--Ads--

Sa ngayon ay hindi nakikita ang full extent ng surge o wave dahil mababa ang testing kumpara sa mga nagdaang taon.

Ang nakikitang dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay ang pagtaas ng mobility, hindi na pagsunod ng mga health protocols at ang panibagong XBB.1.16 Omicron subvariant o Arcturus.

Posibleng mayroon na ring Arcturus sa NCR dahil mayroon siyang dalawang kakilala na nagpositibo sa COVID-19 na may sintomas na pangangati ng mata o conjunctivitis.

Tinig ni Dr. Guido David.