--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpaliwag ang Isabela Electric Cooperative o ISELCO 1 kaugnay sa mga naitatalang pagkawala ng tustos ng kuryente tuwing umuulan sa ilang lugar sa kanilang nasasakupan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Roger Jose, North Area Operations Manager ng ISELCO 1, sinabi niya na isa sa mga dahilan ng pagkawala ng kuryente tuwing umuulan ay ang pagtama ng mga basang sanga ng kahoy sa mga linya ng kuryente.

Dahil dito ay nagkakaroon anya ng fuse cut-out na nagiging sanhi ng pagkawala ng tustos ng kuryente sa ilang barangay.

Nagsisilbi anyang protection ang mga fuse link upang hindi maging mas malawak ang mga maaapektohan na linya ng kuryente.

--Ads--

Kaugnay nito ay nagpapatuloy anya ang ginagawa nilang clearing operation upang matanggal ang mga sanga ng kahoy malapit linya ng kuryente.

Nagpaalala rin ang ISELCO 1 na iwasang magtanim ng puno malapit o sa ilalim ng mga linya ng kuryente.