--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinangunahan ni President Rodrigo Duterte ang turnover ceremony sa 56 na bagong fire trucks sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Fire Senior Superintendent Gerrandie Agonos, spokesperson ng Bureau of Fire Protection (BFP) sinabi niya na ang 56 na bagong fire trucks ay kinabibilangan ng 3 colapse search and rescue trucks at 20 water tender na may capacity na 2,500 gallons ng tubig.

Aniya, ang nasabing mga panibagong fire trucks ay ipinamahagi sa mga piling istasiyon ng BFP na may kakulangan sa mga kagamitan partikular na ang mga fire trucks.

Sang ayon naman si Fire Senior Superintendent Agonos, sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi lisensya ng mga bumbero ang sirena at blinker sa pagresponde sa sunog para paharurutin ang kanilang mga fire truck.

--Ads--

Matatandaang inihalimbawa ng pangulo ang nangyari sa Davao kung saan namatay ang isang bata nang masagasaan ng fire truck dahil sa pagresponde ng sunog.

Ayon sa pangulo, hindi sapat na basehan ang sunog para angkinin ng mga bumbero ang kalsada.

Tinig ni Fire Senior Superintendent Gerrandie Agonos, spokesperson ng Bureau of Fire Protection.