Maaaring tumaas ang presyo ng well-milled rice mula ₱45 hanggang halos ₱70 kada kilo bago matapos ang taon kung mananatiling mataas ang presyo ng langis dahil sa tensyon sa Middle East, ayon sa Department of Agriculture.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, direktang naaapektuhan ng mahal na gasolina ang gastos sa produksyon, pataba, at logistics, kaya tataas ang presyo ng pangunahing pagkain. Kung umabot sa $200 kada bariles ang langis, maaaring tumaas ang presyo ng manok mula ₱200 hanggang ₱324.64 kada kilo at ang pork liempo at pigue mula ₱350–₱370 hanggang ₱588.10 kada kilo.
Pinaalalahanan ni Laurel na dapat palakasin ng gobyerno ang price monitoring, targeted food assistance, buffer stock releases, at price caps. Posibleng bawasan din ang gastos sa pamamagitan ng fuel subsidies at paggamit ng biofertilizers at organic alternatives.











