--Ads--

Bumagsak ang presyo ng Kamatis sa Region 2 bunsod ng magkakasabay na pag-harvest ng mga magsasaka.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ma. Rosario Paccarangan, Chief ng Agri-business and Marketing Assistance Division, sinabi ng niya na sa ngayon ay naglalaro sa 15-30 pesos per kilo ang retail price ng kamatis sa Lalawigan ng Cagayan, 10-25 pesos sa Isabela, 20-40 pesos sa Quirino at 15-30 pesos sa Nueva Vizcaya.

Ang farmgate price naman ngayon ng kamatis sa Nueva Vizcaya Agriculture Terminal o NVAT ay 6 pesos lamang kada kilo depende sa kalidad nito.

Nakikipag-ugnayan naman ang kanilang ahensya sa iba’t ibang mga buyers sa Metro Manila para magkaroon ng option ang mga magsasaka sa kung saan nila ibebenta ang kanilang mga produkto sa mas mataas na presyo.

--Ads--

Dahil sa madalas na problema sa oversupply ay target nilang magtayo ng Food Processing Plant sa Region 2 ngunit sa ngayon ay may mga inaantay pa silang mga equipment na may kabuuang pondo na 20 milyon pesos para matapos ito.

 Mayroon namang programa ang NVAT na humihikayat sa mga LGUs, at ibang mga stake holders na bumili ng mga kamatis na naka-imbak doon upang hindi ito mabulok at mapakinabangan pa.