--Ads--

CAUAYAN CITY- Tuluyan nang makukulong ang isang lalaking private employee sa kasong paglabag sa Omnibus Election Code o Gunban matapos itong makitaan ng baril sa ginawang oplan sita ng pulisya sa San Fermin Cauayan City.

Ang indibidwal ay kilala sa alyas na “Ryan”, 18-anyos, lalaki, private employee, na residente ng Cabaruan Cauayan City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa PNP Cauayan, pinahinto ang suspek sakay ng kanyang Rusi Sparkle RS 150i na motorsiklo dahil wala itong suot na helmet, overloading pa ito at napag-alaman pang nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin.

Nang pahintuin ang suspek ay agad umano itong hinanapan ng OR/CR ng kanyang motorsiklo at nang buksan niya ang kanyang u-box ay tumabbad sa mga kapulisan ang isang cal. 22 revolver na baril na may markang 22 magnum black widow.

--Ads--

Agad namang hinanap ng pulisya ang papeles ng baril maging ang Gunban exception at certificate to carry fireams ngunit bigong magpakita ng dokumento ang suspek.

Dahil dito ay agad namang inaresto ang suspek at dinala sa Cauayan City Police Station para sa pag proseso ng kasong paglabag sa Omnibus Election Code kaugnay sa Comelec Resolution No. 11067 o gunban at R.A 10591 o comprehensive firearms and ammunision regulation act