Posibleng magtaas ng hanggang 5% ang singil ng ilang pribadong ospital dahil sa epekto ng oil crisis, ayon sa PHAPi.
Ayon kay Dr. Jose Rene De Grano, malaki ang epekto ng mahal na diesel sa operasyon ng ospital, lalo na sa generators, ambulansya, at shuttle services.
Dagdag pa niya, tumataas din ang gastos sa imported na gamot at supplies, kaya’t maaaring mapilitan silang magtaas ng bayarin sa loob ng isa hanggang dalawang buwan kung magpapatuloy ang sitwasyon.
Sinabi naman ng DOH na wala silang direktang kontrol sa hospital fees, ngunit dapat malinaw ang paliwanag sa anumang dagdag-singil. Sa ngayon, wala pang pagbabago sa dami ng pasyente, pero posibleng dumami ang pupunta sa government hospitals kung magtuloy-tuloy ang krisis.
Patuloy ding binabantayan ng DOH ang presyo at suplay ng gamot, habang hinihikayat ang mas malinaw na breakdown ng hospital charges upang maintindihan ng publiko ang pagtaas ng bayarin.







