--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagpapatuloy ang isinasagawang Pro-Palestinian protest sa France kasabay ng panawagan na hindi dapat paglaruin sa Paris Olympics ang mga delegado ng Israel dahil sa nangyayaring digmaan sa Gaza.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Dick Villanueva hindi umano titigil ang mga protesters sa pagsasagawa ng rally sa harap ng mga opisina ng Olympic Committee upang ihayag ang kanilang hinaing.

Bagamat determinado ang mga Pro- Palestinian sa kanilang adhikain ay wala namang nangyayaring kaguluhan sa mga isinasagawang protesta.

Ayon sa mga organizer ng protesta, araw araw nilang gagawin ang rally hanggang magsimula na ang Paris Olympics sa buwan ng Hulyo.

--Ads--