--Ads--

Pinag-aaralan na ngayon ng City Governmen ng Cauayan ang pagbili ng mga karagdagang flu vaccines para sa City Health Offices sa lungsod

Bunsod ito ng dumaraming kaso ng mga nagkakaroon ng flu at kakaunting gamot na mayroon batay sa datos na nakuha ng LGU

Ayon kay City Councilor Micko Delmendo, mayroon namang suplay ng mga flu vaccine ngunit nakatalaga lang ang mga ito para sa mga senior citizen

Giit ng lehislador, kailangan ng karagdagang bakuna upang maging ang mga nasa ibang age group ay makakakuha nito

--Ads--

Nauunawaan naman ng councilor na kailangan ng mga matatanda ang nasabing bakuna ngunit kung hindi gagawa ng aksiyon ay mapapabayaan din ang ibang mga sektor

Kaya naman, isinusulong ngayon ang isnag resolusyon na humihingi ng pondo para sa pagbili ng mga bakuna

Mahalaga ito ayon kay Delmendo dahil masiyadong mahal kung bibilhin ng mga mamamayan ng lungsod ang bakuna mula sa mga pribadong ospital

Aniya, sakaling magkaroon ng budget at makabili ang city health office ng flu vaccine ay napakalaking bagay ito para sa mga residente ng Cauayan