Project Development Manager, kinasuhan ng isang negosyante
CAUAYAN CITY – Isang negosyante ang nagsampa ng kasong alarm and scandal laban sa isang project development manager na lumikha ng kaguluhan sa isang kompanya sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City.
Ang sinampahan ng kaso sa piskalya ay si Jhon Mark Gregorio, 33 anyos, may-asawa, project development manager at residente ng Brgy. San Fermin, Cauayan City.
Ang negosyanteng nagsampa ng kaso ay si Hexson Jesus Duldulao, 36 anyos gulang,may-asawa, residente ng San Fermin, Cauayan City.
Una rito, nakatanggap ng tawag ang Cauayan City Police Station hinggil sa lalaking nanggugulo sa isang bahay kalakal sa Brgy. Cabaruan.
Sa pagtugon ng mga pulis, tumakas si Gregorio matapos silang makita ngunit siya ay nasukol sa Tagaran, Cauayan City.




